Maligayang Pagdating sa Daan Tungo sa mga Trabaho

Nagbibigay ang website na ito ng mahalagang impormasyon sa mga trabaho sa mga susing sektor ng ekonomiya ng Canada. Mag-browse sa site upang matutunan ang tungkol sa mahalagang ambag ng bawat sektor sa ekonomiya ng Canada, ang maraming iba't ibang mga oportunidad sa trabaho sa bawat sektor, at ang mga kahusayan at pagsasanay na kailangan mo upang magtrabaho sa isang sektor.

Pumili ng kategorya ng sektor o mag-click dito upang makita ang lahat ng 35 sektor nakalista sa pagkakasunud-sunod ayon sa alpabeto.

Mga Mahahalagang Tala

Ang Ingles at French ay dalawang opisyal na mga wika ng Canada. Ang kakayahang magsalita sa Ingles o French (depende kung nasaang bahagi ka ng Canada) ay mahalaga sa paghahanap ng trabaho at pagtatagumpay sa iyong trabaho. Ang ilang mga trabaho ay mayroong partikular na mga pangangailangan sa wika. Para sa marami pang impormasyon sa pag-assess sa wika at mga programa sa pagsasanay, bisitahin ang:

  • Nagpaplanong magtrabaho sa Canada? (English/Français)
  • Maligayang Pagdating sa Canada: Ano ang dapat mong malaman - Pag-aaral ng Ingles o French (English/Français)
  • Maligayang Pagdating sa Canada: Ano ang dapat mong malaman - Pagsasanay sa wika (English/Français)

Sa sistema ng pamahalaan ng Canada,  bawat isa sa mga sampung (10) panlalawigan at tatlong (3) pangteritoryong pamahalaan ay may pansariling batas at kwalipikasyon sa pagtratrabaho gayundin sa kani-kanilang sistema ng edukasyon. Bilang resulta, ang kwalipikasyon na kinakailangan upang maisagawa ang isang trabaho at ang mga programa sa pagsasanay na magagamit ay maaaring iba sa bawat lalawigan o teritoryo.

Tinatayang 15% ng mga trabaho sa Canada ay kontrolado (upang maisagawa ang mga trabahong ito, kailangan mayroong lisensya ang isang tao, na karaniwang ibinibigay ng samahang panglalawigan o pangteritoryo). Ang karamihan sa mga trabaho sa Canada ay hindi kontroladong trabaho (walang kailangang lisensya ang kinakailangan upang maisagawa ang mga trabahong ito).

Alamin ang higit pa tungkol sa pagtatrabaho sa bawat lalawigan o teritoryo.

Alamin ang higit pa tungkol sa edukasyon at pagsasanay sa Canada.