Pag-aayos at Serbisyong Pangsasakyan
Binubuo ang industriya ng pag-aayos at serbisyong pangsasakyan ng mga negosyong may kinalaman sa pag-aayos at serbisyong pangsasakyan; pag-aayos ng kaha ng sasakyan at sa pagkabangga; pag-aayos ng motorsiklo; espesyalisadong mga serbisyo tulad ng transmission, radiator at undercar; at wholesale at retail ng mga piyesa ng sasakyan.
Humaharap ang industriya ng patuloy na pagbabago. Ang mga bagong modelo ng sasakyan ay ipinakikila sa bawat taon, at ang mga bagong teknolohiya ay patuloy na lumalabas. Ang kaalaman at kakayahan ay dapat patuloy na napapanahon upang makahabol sa mga pagbabagong ito. Kasama sa mga kamakailang bagong teknolohiya ang pagkilala sa bagay sa harap at likod, mga electronic control system, at mga hybrid na sasakyan.
Paggawa sa Pag-aayos at Serbisyong Pangsasakyan
Nag-aalok ang indutriyang ito ng kasiya-siya at mapanghamong trabaho na nakatuon sa pagpigil at paglutas ng mga problema. Ang pinakamalaking bilang ng mga trabahador sa industriya ay nagtatrabaho bilang mga automotive service technician, ngunit mayroon ding maraming iba pang mga pagkakataon sa trabaho.
Ang mga kundisyon sa pagtatrabaho ay ligtas at malinis. Ang sahod ay depende sa trabaho at magkakaiba sa buong bansa. Sa pangkalahatan, ang mga sahod ay mainam at tumataas ayon sa mga kakayahan at karanasan. Ang pag-angat sa loob ng industriya ay napakahusay.
Ang industriya ay nag-aalok ng mga trabaho sa:
- Pag-aayos at pagpapanatili: mga automotive service technician; mga tagapinta at tagapagpakintab ng sasakyan; mga technician sa pag-aayos ng katawan ng sasakyan; mga taga-estima ng bangga; mga tagapayo sa serbisyo; tagapamahala ng talyer; mga may-ari ng shop
- Sales, marketing at serbisyong pangkostumer: mga receptionist, tauhan sa warrranty, espesyalista sa computer, tagapamahala ng tanggapan, accountant, kinatawan ng sales, espesyalista sa marketing
- Mga espesyalista sa support: mga espesyalista sa paglilisensya ng sasakyan, tagapagbantay sa garahe ng bentahan, tagapagdetalye, bantay sa oil at lube, tagapagbantay sa istasyon ng serbisyo, tagakabit ng gulong at mga technician sa pag-aayos, auto recycler, kinatawan ng serbisyo sa pagpaparenta, engineer builder
- Mga kaugnay na pagkakataon: mga tagaayos ng paghahabol; mekaniko ng motorsiklo; mga nagtatrabaho sa pintura, katawan at kagamitan ng sasakyan; mga tagapagmaneho ng tow truck; mga mekaniko ng trak at panlipat na sasakyan; dyaristang nagsusulat ukol sa sasakyan; tagapagturo ng gawaing pangsasakyan
Mga Kakayahan at Pagsasanay
Nangangailangan ang industriya ng mga trabahador na may kaalaman at kakayahan sa agham, teknolohiya, negosyo at mga computer.
Humigit-kumulang na 60 porsyento ng mga trabaho sa industriya ay nangangailangan ng pagsasanay na teknikal. Maaaring hayaan ng mga posisyong panimula na makakuha ang isang tao ng karanasan sa pagtatrabaho, habang kumukuha ng espesyalisadong pagsasanay.
Ang kolehiyo at o pagsasanay sa apprenticeship ay kinakailangan para sa karamihan ng mga trabaho. Ang edukasyong high school ay ang panimula para sa iba.