Sining at Kultura

larawan ng kulturaAng sektor na pangkultura ay ang pangunahing tagahimok ng pagtaas ng ekonomiya. Ang sektor ay nag-aambag rin sa kalidad ng buhay sa mga komunidad sa buong bansa, at sa pang-intenasyunal na pagkilalasa Canada. Ang sining at kultura sa lahat ng anyo ay naghihikayat sa mga taong magsama-sama upang lumikha, magpahayag, at magbahagi ng mga pananaw at ideya.

Sa umuunlad na malikhaing ekonomiya, lumilikha ang sektor na pangkultura ng mga trabaho, naghihikayat ng mga negosyo, nagpapalago ng mga pagbabago, at pinakikilala ang Canada sa buong mundo. Tinatanggap nito ang mga bagong teknolohiya at umuunlad sa globalisasyon, nag-aambag sa indibidwal, pangkomunidad at pambansang kaunlaran.

Pagtatrabaho sa Sining at Kultura

Kasama sa mga nagtatrabaho sa pangkultura ang mga nagtatrabaho sa "malikhaing sanga-sanga" na sumasaklaw sa paglikha, produksyon, paggawa, paghahatid at pagsagip. Maaaring sila ay mga artist, technician, manager at/o producer.

Ang mga nagtatrabaho sa kultura ay nagtatrabaho sa malalaki, di-kalakihan at maliliit na mga negosyo at samahan. Karamihan ay self-employed. Kinikilala sila sa kanilang hilig sa kanilang anyong sinig na nagpapapayag sa kanilang humarap sa walang kasiguraduhang kita, madalas na mahabang oras ng pagtatrabaho, at matinding iskedyul.

Ang sektor ay may mga trabaho sa:

  • Mga live na sining sa pagganap: mga artista, mananayaw, mang-aawit ng opera, circus artist, manunulat ng script, choreographer, stage manager, lighting technician, atbp.  
  • Pagsusulat at pag-publish: mga manunulat, copy editor, proofreader, publisher, atbp.
  • Mga visual art at craft: mga pintor, tagahabi, iskultor, art dealer, photographer, atbp.
  • Film, telebisyon at broadcasting: mga filmmaker, broadcaster, make-up artist, tagadisensyo ng costume, props handler, atbp.
  • Digital media: mga espesyalista ng distance education, tagadisenyo ng website, tagagawa ng laro, atbp.
  • Pag-record ng musika at sound: mga kompositor, musikero, booking agent, atbp.
  • Pamana: mga museum curator, librarian, archivist, conservationist, atbp.
  • Tagapamahala ng kultura: mga human resource manager, arts administrator, fundraiser, atbp.

Mga Kasanayan at Pagsasanay

Madalas na natatangi ang mga kahihinatnan ng trabaho sa sektor. Ang tagumpay ay depende sa talento, layunin, mga kakayahan sa pakikipag-ugnayan, at kakayahang pangnegosyo at pampromosyon.

Naghihikayat ang sektor ng mga tao mula sa malawak na hanay ng mga background sa edukasyon. Ang espesyalisadong pagsasanay ay makukuha sa maraming lugar na pangkultura sa mga unibersidad, kolehiyo, at mga pribadong institusyon. Ang mga kakayahang pangnegosyo ay pangkalahatang kapaki-painabang sa sektor at partikular para sa self employed.  

Tumataas ang pangangailangan ng mga nagtatrabaho sa kultura na mangailangan ng kakayahang magtrabaho sa teknolohiya sa lahat ng mga larangan.