Mga Apprenticeship
Ang mga apprenticeship ay ang post-secondary na mga programa na isinasama sa on-the-job at in-school na pagsasanay. Ang bawat lalawigan o teritoryo ay may tiyak na itinalagang mga hanap buhay (designated trades/métiers désignés) o trabaho na kung saan mayroong mga apprenticeship na programa. Maaari lamang isagawa ang obligadong mga hanap buhay (compulsory trades/métiers obligatoires) sa pamamagitan ng mga rehistradong apprentice o sertipikadong tradespeople. Hindi nangangailangan ang boluntaryong hanap buhay (voluntary trades/métiers volontaires) ng pagrehistro o certification upang magtrabaho. Ang hanap buhay na may mga apprenticeship na programa ay madalas na tinawag nahanap buhay na may kasanayan (skilled trades/métiers spécialisés)—karaniwang nabibilang ang mga hanap buhay na ito sa "hands-on" na pagtatrabaho at nangangailangan ng tukoy na hanay ng panteknikal na mga kaalaman.
Mga Trabaho sa Mga Hanapbuhay na kailangan ng Kasanayan
Mayroong makikitang hanap buhay na may kasanayan sa bawat sektor ng ekonomiya, kabilang ang konstruksyon, transportasyon, at paggawa ng sasakyan.
Napakaraming mga pagkakataon para sa pag-unlad sa loob ng hanap buhay, hanggang sa mga posisiyong supervisory o pamamahala, o pagkakaroon ng sariling negosyo.
Kabilang sa mga hanap buhay na may kasanayang ang:
mga electrician
mga karpentero
mga tubero
mga steamfitter
mga mason ng tisa at bato
mga tool and die maker
mga machinist
mga millwright
mga technician sa pagpapanatili ng mga pasilidad
mga automotive service technician
mga mekaniko ng kasangkapan sa bukid
mga mekaniko ng kasangkapang heavy duty
mga auto body repairer
mga tagaluto
mga baker
mga arborist
mga horticulturist
mga hairstylist.
Pagkumpleto ng isang Apprenticeship
Magkakaiba ang mga kinakailangan sa pagpasok sa pamamagitan ng hanap buhay at lalawigan/teritoryo. Sa pangkalahatan, kinakailangang tapos nang high school. Sa ilang mga lalawigan/teritoryo, ang mga kredito sa apprenticeship ay maaaring makuha sa high school. Kinakailangan ang matatag na kaalaman sa pagbabasa, pagsusulat, matematika, at agham.
Dapat na makahanap ang mga kandidato ng isang nagpapatrabaho at magparehistro bilang mga apprentice sa lalawigan/teritoryo. Magbabayad ng matrikula ang mga apprentice para sa in-school na pagsasanay, subalit kikitahabang nag-aaral sa on-the-job, at ang mga rate ay itinatakda ng panglalawigan/pangteritoryong pamahalaan o sa pamamagitan ng pinagsama-samang mga kasunduan na pinagkasunduan ng mga union.
Karaniwang gumugugol ang mga apprentice ng 40 hanggang 44 na linggo sa on-the-job at 6 hanggang 8 linggo sa paaralan bawat taon.
Ang isang apprentice ay nagiging kwalipikado bilang isang journeyperson pagkatapos na makumpleto ang lahat ng in-school na pagsasanay, pagtatrabaho sa itinakdang bilang ng oras, at pagpasa sa kinakailangang eksaminasyon. Karaniwang tumatagal ang mga apprenticeship ng dalawa hanggang sa limang taonupang matapos.
Ang ilang mga hanap buhay ay itinatalagang Red Seal/Sceau rouge na mga hanap buhay. Pinapayagan nng pag-endorso ng Red Seal ang mga kwalipikadong mga tradeperson na magtrabaho sa anumang lalawigan/teritoryo kung saan ang hanap buhay ay itinalaga nang wala nang karagdagang eksaminasyon.