Inhinyerya
Ang mga inhinyero ay nagsasagawa ng pangunahing kontribusyon para sa ikakabuti ng lipunan ng Canada at pagiging mapagkumpitensya sa ekonomiya. Makikita saan man ang mga resulta sa pagiging inhinyero. Mga kasangkapang pangmedikal, tulay, airport navigation system...ang lahat ay dinisenyo, nilikha o inaprubahan sa pamamagitan ng mga inhinyero.
Sa Canada, ang mga inhinyero, mga technologist at technician ay mga walang katulad na mga kategorya sa pagtatrabaho na nagkakapagsagawa ng iba't ibang mga uri ng trabaho at may magkakaibang mga pangangailangan sa certification pagiging propesyonal. Ang mga inhinyero at technologist na nagtatrabaho sa teknolohiya sa isang komplementaryong paraan, na may mga inihinyerong mas tumutuon sa batay sa teorya at mga technologist sa praktikal na aspeto. Nagpapakadalubhasa ang mga technician sa paggamit ng mga tukoy na kagamitin at diskarte.
Pagtatrabaho sa Inhinyerya
Maaaring magtrabaho ang mga inhinyero sa project management, pag-disenyo, pamamahala, project planning, technology support, operation at produksyon, pananaliksik at paglilinang, panteknikal na pagtutukoy, quality assurance o marketing at sales.
Nakalista sa ibaba ang karaniwang mga uri ng inhinyero at ang mga pangunahing industriya na kung saan sila ay nagtatrabaho:
Mga agricultural engineer at environmental engineer:
agrikultural,
kapaligiran at natural na pinagkukunan, at siyentikong
mga sektor
Mga biomechanical at biomedical na engineer: health sciences
Mga computer engineer at software engineering engineer:
information technology at lahat ng nakikitang iba pang mga sektor
Mga chemical engineer, industrial at manufacturing engineer, mechanical engineer, electrical engineer, at materials engineer: manufacturing at science and technology
Mga metallurgical engineer: manufacturing,
pagmimina, at siyentipikong mga larangan
Mga naval architectural at ocean engineer: marine industries
Mga Kasanayan at Pagsasanay
Kinakailangan sa mga inhinyero ang matatag na kaalaman sa matematika at agham, at mahusay na komunikasyon at kakayayan sa pakikiisa. Pangkalahatang gustong bumuo ng mga ito ng mga bagay-bagay o pagbutihin ang paggana ng isang bagay.
Upang makapagtrabaho sa Canada, ang mga Inhenyero ay dapat magkaroon ng lisensya na ayon sa makatuturang awtoridad na panlalawigan o teritoryo. Ang pagkakaroon ng lisensya ay nangangailangan ng pagtatapos ng akreditadong programa ng pag-aaral, pinangasiwaang karanasan sa pagtatrabaho, at isang eksaminasyon sa professional ethics.
Ang nakuhang edukasyon at karanasan sa pagtatrabaho sa iba pang mga bansa ay maaaring tanggapin para sa pagkakaroon ng lisensya sa ilang mga kadahilanan.