Kapaligiran

larawan ng kapaligiran

Ang sektor ng kapaligiran ay malawak, sinasakop ang mga bahagi ng proteksyon sa kapaligiran, pag-aalaga at pagpapanatili ng mga natural na mapagkukunan, at pangkapaligirang kakayahan sa pagtataguyod.

Dahil tumataas ang kamalayan sa mga isyu sa kapaligiran, pati na rin ang paglago ng sektor ng kapaligiran. Ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay bumubuo ng bagong kaalaman, mga produkto at proseso na lumilikha ng maraming mga hamon at pagkakataon para sa trabahong pangkapaligiran. Ang pagkontrol at paggawa ng batas, halimbawa, ay isang lugar lamang na nangangailangan tumugon sa mga pag-unlad at pagbabagong ito sa loob ng sektor.

Pagtatrabaho sa Sektor ng Kapaligiran

Ang trabaho sa loob ng sektor ng kapaligiran ay may iba't ibang larangan at napakalawak. Maaaring magtrabaho ang mga eksperto sa kapaligiran sa mga larangang tulad ng: 

  • pagsubaybay sa kalidad ng hangin, tubig at lupa
  • pamamahala, pagpapanumbalik at reklamasyon ng basura 
  • pagsubaybay sa kalusugan at kaligtasan ng tao at kapaligiran 
  • pagpigil at pagkontrol ng polusyon 
  • pamamahala sa natural na mapagkukunan 
  • edukasyon 
  • pananaliksik 
  • patakaran at paggawa ng batas 
  • komunikasyon at pagbuo ng pampublikang kamalayan

Maaaring kunin ang mga eksperto sa kapaligiran ng mga kagawaran ng pamahalaan sa lahat ng mga antas (pederal, panlalawigan/panteritoryal at munisipalidad), malalaking korporasyon, mga kawanggawang samahan, mga law firm, kumpanya sa pagkonsulta, at marami pa.

Kabilang sa mga trabaho sa sektor ang: 

  • mga environmental engineer 
  • mga environmental technician at technologist 
  • mga biologist
  • mga agrologist
  • mga chemist
  • mga civil engineer
  • mga geoscientist (mga geologist at geophysicist)
  • mga technician at technologist sa lab  
  • mga technician at technologist sa pag-aalaga  
  • mga tagapagturo tungkol sa kapaligiran 
  • mga technician at technologist ng geomatics  
  • mga hydrogeologist 
  • mga tagaplano ng paggamit ng lupa 
  • mga geotechnical/geological engineer mga tagapamahala ng proyekto/programa. 

Mga Kasanayan at Pagsasanay

Kapaki-pakinabang ang pormal na pagsasanay sa mga pag-aaral sa kapaligiran. Mangangailangan ang mga teknikal na posisyon ng partikular na kadalubhasaan at edukasyon (hal. sa chemical engineering o agrikultura). Maaaring kapaki-pakinabang ang degree sa sining na sinamahan ng may katuturang karanasan (na nakuha sa field work o karanasan sa pagboboluntaryo) para sa mga trabaho sa komunikasyon, edukasyon, o pamamahala sa programa

Nagbibigay ang Samahan para sa Mga Trabahong Pangkapaligiran (Environmental Careers Organization /Organisation pour les carrières en environnement (ECO Canada)) ng propesyonal na Pagpapatunay sa Environmental Practice (Certificate in Environmental Practice/certificat professionnel en pratique environnementale) para sa edukasyong pagkatapos ng kolehiyo na tukoy sa sektor ng kapaligiran ng Canada na nakuha sa pamamagitan ng Sentro ng Canada para sa Edukasyong Pangkapaligiran (Canadian Centre for Environmental Education/Centre canadien pour l’éducation en environnement (CCEE)).

Bukod pa rito, ang pagtatalaga ng Napatunayang Eksperto sa Kapaligiran ng Canada (Canadian Certified Environmental Practitioner (CCEP)/spécialiste de l’environnement agréé(e) du Canada (SEAC)) ng ECO Canada ay isang boluntaryong pambansang pagpapatunay sa kapaligiran para sa mga nagsasanay. Nakahanay ang patunay na ito sa mga kasalukuyang kasanayan sa mga pamantayan ng industriya ng Canada, at kumikilala ng kadalubhasaan sa loob ng sektor ng kapaligiran.