Mga Produktong mula sa Gubat
Ang industriya ng mga produktong mula sa gubat ay isa sa mga nangungunang industriya ng Canada. Ito ay kabilang sa pinakamalaking nagpapatrabaho at tumatakbo sa daan-daang komunidad. Ang sektor ay isa sa ilang tunay na mga luntiang industriya ng Canada at tumutuon sa pangkalikasang pamamahala.
Binubuo ang industriya ng mga negosyo na gumagawa ng pangangalaga ng kagubatan, pangangahoy, at paggawa ng troso, tabla, at papel. Kasama rin nito ang nauugnay na mga pagpapatakbo tulad ng mga supplier ng kagamitan sa pangungubat.
Habang ang industriyang ito ay kasalukuyang humaharap sa krisis, umaasa rin ito sa posibilidad ng panibagong pangangailangan para sa mga produktong kahoy ng Canada sa hinaharap, habang humuhusay ang mga kundisyon ng ekonomiya.
Pinagsusumikapan ng mga kamakailang pagbabago na makagawa ng mas maraming produkto nang mas epektibo mula sa iisang puno, at samantalahin ang mga tira-tira ng pagpoproseso sa ibang mga produkto o bilang biomass fuel.
Pagtatrabaho sa Industriya ng Mga Produktong mula sa Gubat
Nag-aalok ang industriya ng maraming mga daan sa pagtatrabaho at malawak na hanay ng mga pagkakataon para sa mga trabahador, eksperto sa pangangalakal, mga propesyunal, at ang mga interesado sa natural at applied sciences, o sa negosyo, pananalapi, pangangasiwa at pamamahala.
Nag-iiba-iba ang mga kundisyon sa trabaho at kasama ang pagtatrabaho sa labas, sa mga lalawigan at malalayong komunidad, sa mga laboratoryo, o sa mga gawaan ng papel o mga lagarian ng kahoy na nagpapatakbo ng mga makinaryang kinokontrol ng computer.
Kasama sa mga karaniwang trabaho ang:
Mga propesyunal sa forestry: mga watershed management planner, mga ecologist ng kagubatan, mananaliksik, mga coordinator sa pagpapasunod at pagpapatupad, mga opisyal ng integrated resource management
Mga technologist at technician sa forestry: tauhan sa forestry; nangangalaga ng kagubatan, mga technologist na pangkalikasan o pag-aani
Mga tagapagpatakbo ng makinarya at mga tagapagpatakbo ng pagkontrol: makinarya sa pangangahoy, nagpapatakbo ng chain-saw o skidder; kontrol sa pagsasapal, mga tagapagpatakbo ng kontrol sa paggawa ng papel o pag-coat
Iba pa: mga nangangasiwa at trabahador sa pangangahoy at forestry; mga trabahador sa pangangalaga ng kagubatan at forestry; tagasuri at tagamarka ng tabla at kahoy; mga trabahador sa pagproseso ng kahoy, sapal at papel.
Mga Kasanayan at Pagsasanay
Ang mga propesyunal sa forestry ay nangangailangan ng degree sa unibersidad, at ang mga technician at technologist sa forestry ay nangangailangan ng diploma sa kolehiyo. Maraming mga trabahong panimulang antas ay nangangailangan ng edukasyon sa high school; ang karagdagang pagsasanay ay maaaring magawa sa mismong trabaho.
Ang mga programang sinasaklaw ang kapaligiran, biology, forestry, inhenyero at computing ay inaalok ng mga unibersidad at mga pangkomunidad na kolehiyo sa buong bansa.
Ang pagpapatunay bilang propesyunal na inhinyerya (engineer), technician, o technologist ay nangangailangan o inirerekumenda para sa ilang mga trabaho. May bukas na maraming trabaho para sa Mga apprenticeship.