Mga Plastic
May kakayahang umangkop, maraming mapaggagamitan, tumatagal, at hindi mahal—ang mga plastic ay makikita saanman, mula sa packaging hanggang sa mga bahagi ng sasakyan hanggang sa mga produktong pangkonstruksyon. Ang mga posibilidad sa kanilang gamit ay patuloy na lumalaki.
Ang industriya ng plastic ng Canada ay binubuo ng mga tagagawa ng mga produktong plastic; mga tagagawa ng makina sa pagproseso ng plastic, mga dye ng molde at paghila; at mga synthetic resin converter at compounder (mga kumpanyang nakakagawa o nakakapaghalo ng mga resin ng plastic na ginagamit sa iba pang mga produkto).
Bilang tugon sa pandaigdigang kumpetisyon at sa pabagu-bagong halaga ng enerhiya at mga raw material, lumilipat ang industriya sa paggamit ng mga bagong input at proseso, at sa paggawa ng bago, pinasadyang mga produkto.
Pagtatrabaho sa Industriya ng Mga Plastic
Ang industriya ay maraming pagkakataon para sa propesyunal na pagbuo at pag-unlad sa trabaho. Ang mga kasanayang nabuo sa trabaho ay maaaring magamit sa iba pang mga trabaho sa industriya ng mga plastic gayundin sa iba pang mga industriya.
Ligtas ang mga kundisyon sa pagtatrabaho. Ang mga sweldo ay depende sa mga kinakailangan ng trabaho, nagpapatrabaho, lokasyon, at karanasan ng empleyado.
Ang industriya ay may mga trabaho sa:
- Resin compounding: mga handler ng materyales, mga engineer sa materyales, mga chemical engineer
- Disenyo: mga tagadisenyo ng mga bahagi na plastic, mga tagadisenyo ng molde, mga engineering techician, mga mechanical engineer
- Pasadya at captive na pagproseso: mga nagpapatakbo ng makinarya, mga set-up at maintenance technician, mga tagabuo ng bahagi na plastic
- Process engineering: mga inhinyero sa pagproseso at paggawa
- Makinarya, paggawa ng mga dye at molde: mga tagagawa ng molde, mga plastic engineering technician, mga nagpapatakbo ng makinarya, mga set-up at maintenance technician
- Pangasiwaan: mga tagapagsanay sa proseso ng plastic, mga tagasuri sa kalusugan at kaligtasan, mga tagasuri ng katiyakan ng kalidad
- Marketing: mga kinatawan ng marketing at sales.
Mga Kasanayan at Pagsasanay
Mayroong mga pagkakataon sa trabaho para sa malawak na hanay ng mga background na pang-edukasyon at mga antas ng karanasan. Maraming mga nagpapatrabaho ang nagbibigay ng pagsasanay sa mismong trabaho, at ang mga tagagawa ng kagamitan ay madalas na nag-aalok ng mga maikling kurso sa paggamit ng mga bagong makinarya at pamamaraan.
Ang pagsasanay na post-secondary sa mechanical, industrial at chemical engineering ay makukuha sa mga kolehiyong pangkomunidad at unibersidad sa buong bansa. Ang ilang mga programa ay nagbibigay ng mga karanasan sa aktwal na pagsasanay. Ang pagpapatunay bilang propesyunal na inhinyerya (engineer), technician o technologist ay kinakailangan o inirerekumenda para sa ilang mga trabaho. May bukas na Mga apprenticeship para sa maraming trabaho.
Ang boluntaryong pagpapatunay bilang plastics practitioner (Plastics Practitioner Certification/certification de praticien(ne)s des plastiques (Cert.PP)) ay mayroon sa 24 na trabaho.