Printing
Isipin ang isang mundong walang print. Walang mga aklat, pera, pahayagan, billboard, tatak, magazine o kapaki-pakinabang na packaging. Ang printing ay nasa lahat ng lugar.
Kasama sa industriya ng printing ng Canada ang mga negosyo sa printing at imaging, mga bindery operation at mga kaugnay na negosyo tulad ng mga tagagawa ng kagamitan at mga tagapamahagi ng physical o electronic data.
Ang industriya ay mabilis na nagbabago sa pagbagay sa mga bagong teknolohiya, tumaas na automation at pagsasama ng mga proseso ng printing, at mga bagong pagsulong sa agham at technolohiya.
At, habang dumadalas ang paggamit ng Internet, pinapalawak ng industriya ang mga merkado nito, nang inililipat ang customer base nito at nag-aalok ng maraming espesyalisadong mga produkto at serbisyo.
Pagtatrabaho sa Printing
Ang mga taong nagtatrabaho sa industriya ng printing ay gumagawa ng malawak na hanay ng mga trabaho, mula sa mga pagbebenta hanggang sa pagdidisenyo ng mga produktong pang-imprenta, pagpapatakbo ng makinaryang pang-imprenta, pag-bind at pagtatapos ng mga dokumentong naka-imprenta at pamamahala ng high-tech na mga kagamitan at pagproseso.
Isinama ng mga nagpapatrabaho sa industriya ang mga printer na pangkomersyo, mga kumpanya ng graphic design, mga publisher ng pahayagan at aklat, mga copy shop, mga negosyo na may mga pasilidad ng in-house printing, at mga specialty printer. Ang karamihan sa mga nagpapatrabaho ay maliliit na mga kumpanya na kumukuha ng mas kaunti sa limang tao.
Ang industriya ay may mga trabaho sa:
Prepress (paghahanda ng materyales para sa pag-imprenta): mga graphic designer, mga nagpapatakbo ng prepress, mga graphic arts technician, mga typesetter at mga nagpapatakbo ng desktop publishing
Press (ang aktwal na pag-imprenta ng materyales gamit ang iba't ibang uri ng mga press): mga nagpapatakbo ng printing press at makinarya, mga production coordinator at tagapamahala
Finishing, bindery at pamamahagi (ang pag-iipon at pagpapalaganap ng natapos nang mga produkto para sa customer): mga nagpapatakbo ng makinarya sa pag-bind, mga nagpapatakbo ng makinarya sa pag-laminate, mga hand bookbinder, mga marketing specialist, mga tagadisenyo ng web, sales at support personnel.
Ang mga gawain sa printing ay maaaring maayos at mapagsama nang makakaiba, depende sa laki ng kumpanya, uri ng mga press, at kalalabasan ng paggawa. Maraming mga empleyado ng industriya sa printing ang nagtatrabaho gamit ang mga computer at mga kagamitang teknikal.
Mga Kasanayan at Pagsasanay
Maraming mga kolehiyo, unibersidad at mga technical school sa buong bansa ang nag-aalok ng mga programang full-time, part-time at pagpapatuloy na edukasyon na nauugnay sa printing. Karamihan sa mga programa ay tumutugon sa aspeto ng prepress ng industriya. Ang mga programang gumagamit ng computer at Internet sa industriya ay mabilis ring nabubuo.
Nagbibigay rin ang mga nagpapatrabaho ng karamihan sa magagamit na pagsasanay sa industriya. Ang karamihan sa in-house na pagsasanay ay empleyado-sa-empleyadong pagsasanay, ay likas na pratikal sa pangkalahatan at partikular na nauugnay sa mga produkto ng nagpapatrabaho.