Gateway ng Asya Pasipiko

mapa ng asya pasipikoBritish Columbiaang istratehikong heyograpikal na lokasyon at matagal nang pakikipag-ugnayang kultural sa Asya ay nagbibigay-daan sa kanlurang baybayin ng Canada na maging natural na daanan para sa kalakalan sa mga bansa sa rehiyon ng Asya Pasipiko. Ang Gateway na ito ay suportado ng world-class transportation network—isang pinagsamang pagkakasunud-sunod ng supply ng mga paliparan, daungan, rail at road na mga koneksyon, at mga crossing ng hangganan—na nagdudulot upang ito ay maging pangunahin ang Asya Pasipiko na daluyan ng kalakalan para sa Hilagang Amerika.

Ang matagumpay na pandaigdigang kalakalan ay nakadepende sa mabisang paglilipat ng mga produkto sa pamamagitan ng pandaigdigang pagkakasunud-sunod ng supply. Ang pagtutuon sa mga paglilipat ng mga tao at produkto---mabilisan at mapagkakatiwalaan--ay mahalagang mga sukatan ng pagiging mapagkumpitensya. Upang patatagin ang posisyon sa pagiging mapagkumpitensya ng Canada sa pang-internasyonal na komersyo, naitakdang pinapangarap na paglago ng mga target at pangunahing mga pamumuhunan ay patuloy na isinasagawa sa imprastraktura ng Gateway.

Pagtratrabaho sa Gateway

Ang mga manggagawa na may samu't saring kaalaman at karanasan ang kinakailangan para sa konstruksyon, pagpapalaki at pagpapatakbo ng Gateway ng Asya Pasipiko.

Ang mga oportunidad sa trabaho ay matatagpuan sa mga larangang tulad ng:

Ang mga oportunidad sa trabaho ay nasa lalawigan ng British Columbia. Ang Lower Mainland at ang Prince Rupert/Kitimat na mga rehiyon ang pinaka direktang apektado ng mga proyekyong pang-imprastraktura ng Gateway, sa parehong mga larangan ng konstruksyon at matagalang pagpapatakbo.

Mga Kasanayan at Pagsasanay

Ang isang malawak na hanay ng mga trabaho sa Gateway ng Asya Pasipiko ay makukuha ng mga indibidwal na may iba't ibang mga antas ng kakayahan at edukasyon. Maaaring sapat ang edukasyon sa high school para sa ilang mga trabaho, subalit karagdagan pang pagsasanay ang kakailanganin para sa iba.

Higit pang impormasyon sa mga kasanayan at pagsasanay ang kinakailangan para sa mga trabahong na kaugnay sa mga sektor ay inilarawan sa website na ito sa pahina ng sektor sa: