Turismo
Ang industriya ng turismo ay isa sa pinakamalaki at pinakamabilis na lumalagong mga industriya sa mundo. Nagbibigay ng isang mahalagang kontribusyon ang turismo sa ekomomiya ng Canada at sa pangangalaga at pagpapakita ng tradisyon ng Canada.
Parehong kabilang sa industriya ang papalabas na turismo (mga taga-Canada na naglalakbay sa ibang mga lalawigan, teritoryo, o bansa) at papasok na turismo (mga turistang mula sa ibang mga bansang bumibisita sa Canada). Binubuo ito ng mga negosyong nagbibigay ng pansamantalang tirahan, pagkain at mga inumin, transportasyon, libangan at aliwan. Kasama rin dito ang mga samahan sa marketing ng turismo at pasyalan, at ugnayan sa industriya at kalakalan.
Pagtatrabaho sa Turismo
Ang turismo ay isang sektor na nakatuon sa mga tao. Direkta ka mang nakikipagtulungan sa mga customer o sa likod lamang ng mga tagpo, ang kanilang kasiyahan, kaligtasan at ikakasaya ang pangunahing alalahanin.
Madalas na mataas ang pasahod sa mga posisyon sa turismo. Ang pasuweldo ay mula sa minimum wage sa ilang pangunahing mga posisyon hanggang sa mga kitang pangmataas na antas na ehekutibo. Dahil maraming mga trabaho sa turismo ang nauugnay sa serbisyo, marami ring mga empleyado ang nakatanggap ng mga balato, komisyon at/o mga produktong nadiskwentuhan o ibinigay na libre bilang pasasalamat.
Maaaring ang pagtatrabaho ay nasa loob o labas, at sa malaking mga resort o mga maliit na mga negosyo na pag-aari ng may-ari. Ang pasuweldo ay mula sa minimum wage hanggang sa mga kitang pangmataas na antas na ehekutibo. Marami ring mga empleyado ang nakatanggap ng mga balato, komisyon at/o mga produktong nadiskwentuhan o ibinigay na libre bilang pasasalamat. Ang sektor ay may mga trabaho Sa:
- Mga serbisyo sa pansamantalang tirahan: (sa mga hotel at iba pang panunuluyan) mga front desk agent, concierge, housekeeper, accountant
- Mga serbisyo sa pagkain at inumin: (sa mga restaurant, pub, bar, at nightclub, atbp.) mga tagapamahala sa pagkain at inumin, kusinero, bartender, waiter
- Transportasyon: (panlupa, panghimpapawid, rail at marine transport) mga motor coach driver, railway engineer, marine operator
- Libangan at aliwan: mga gabay sa outdoor adventure; tagapagturo ng golf, ski at tennis; gabay sa museo, tagapagpatakbo ng amusement park
- Mga serbsyo sa paglalakbay: mga travel agent, wholesale tour operator, tourism information counsellor, tour guide.
Mga Kasanayan at Pagsasanay
Sa mahigit na 400 trabaho, ang turismo ay may mga posisyon para sa bawat antas ng edukasyon at pagsasanay. Madalas na ibinibigay ang pagsasanay sa mismong trabaho ng mga nagpapatrabaho para sa panimulang antas na mga posisyon. Maraming mga trabaho ang nangangailangan na mas malawak na edukasyon, pagsasanay o karanasan.
Ang mga programa sa pagsasanay na nauugnay sa turismo ay inaalok sa mga sekondaryang paaralan, pribadong mga paaralan sa pagsasanay, mga kolehiyo at unibersidad ng komunidad. emerit Magagamit ang Pagsasanay sa Turismo para sa ilang mga trabaho. Ang emerit training and certification system ay batay sa mga pambansang pamantayang pangtrabaho na binuo ng industriya sa turismo.