Paglalagay, Pagpapanatili at Pag-aayos

larawan ng paglalagay pagpapanatili pag-aayosAng sektor ng paglalagay, pagpapanatili at pag-aayos ay binubuo ng mga kumpanyang gumagawa, nagre-retail, naglalagay, nagpapanatili, at nag-aayos ng mga kagamitan at mga produktong de-kuryente, at namamahagi ng mga nauugnay na bahagi at mga produktong pinalawak ang warranty sa mga consumer.  

Ang sektor na ito ay mahalagang bahagi ng ekonomiya ng Canada. Nagpapatrabaho ito sa libu-libong mga technician, parts personnel, tagapamahala at isang grupo ng iba pang kawani sa suporta.

Ang bilang ng mga kagamitang de-kuryente na ginagamit sa pang-araw-araw na buhay ay mabilis na tumataas. Palaging mayroong pangangailangan para sa mga serbisyo upang maglagay ng mga bagong kagamitan, panatilihin ang mga ito para sa maginhawang paggana, at ayusin ang mga ito kapag nasira o maluma.

Pagtatrabaho sa Paglalagay, Pagpapanatili at Pag-aayos

Kasama sa mga nagpapatrabaho sa sektor ang mga tagagawa, taga-import, tagapamahagi, at malalaking retailer na may responsibilidad sa serbisyo sa mamamayan para sa mga produktong de-kuryenteng kagamitan ng consumer na ginagawa nila, ini-import o ibinebenta.

Ang karamihan sa mga nagpapatrabaho sa sektor ay matagal nang naitatag na mga maliliit hanggang di-kalakihang negosyo. Ang mga negosyong ito ay karaniwang nag-iisang mga service centre o may pahintulot na mga service centre, na may ugnayan sa serbisyo sa mga kumpanyang tagagawa, retailer at/o warranty.

Ang pagtatrabaho sa sektor ay nagbibigay ng magandang sahod.   

Ang mga pangunahing trabaho ay:

  • Mga appliance service technician: nagseserbisyo at nag-aayos ang mga ito ng mga kagamitang de-kuryenteng pambahay (hal. mga oven, dishwasher, refrigerator) at mga maliliit na kagamitan, mga kagamitang de-gas na pambahay, at mga kagamitang pangkomersyo. Maaaring magtrabaho sila sa mga repair shop, mga kumpanya ng serbisyo sa kagamitan at mga departamento sa pag-aayos ng mga establisyimento ng retail at wholesale.
  • Mga electronic service technician: nagseserbisyo at nag-aayos ang mga ito ng kagamitang de-kuryente na pambahay at pangnegosyo tulad ng mga audio at video system, computer at peripheral. Maaari silang magtrabaho sa mga electronic service at retail na establisimiyento, mga wholesale na tagapamahagi at mga kumpanyang gumagawa ng de-kuryenteng kagamitan.

Mga Kasanayan at Pagsasanay

Maraming mga kolehiyong pangkomunidad at pribadong institusyon ng pagsasanay ang nag-aalok ng pagsasanay na naghahanda sa isang tao para sa trabahong panimula sa sektor.

Karamihan sa mga lalawigan ay may mga programang apprenticeship para sa sektor. Maraming mga tagagawa ang nag-aalok ng mga sesyon sa pagsasanay sa paglalagay at pag-aayos ng mga partikular na produkto. Ang pgpapatunay bilang technician o technologist ay maaaring kakailanganin o inirerekumenda para sa ilang mga trabaho.