Ang Non-Profit na Sektor
Ang non-profit na sektor (na kilala rin bilang boluntaryo o komunidad na sektor) ay nag-aalok ng hanay ng masigla, nakakahimok at nakakagulat na mga karera para sa mga taong may parehong mga pananaw ng sektor: upang makagawa ng pagbabago.
Nagpapatakbo ang mga non-profit na samahan sa maraming mga larangan ng aktibidad kabilang ang sining at kultura, pampalakasan at libangan, edukasyon, kalusugan, mga serbisyong panlipunan, kalikasan, pabahay, batas, pulitika, pilantropiya, international development, at rehiyon. Ang sektor ay kinakatawan ang pinagsamang mga pagsusumikap ng mga binabayarang mga empleyado at volunteer sa lahat ng mga uri ng komunidad sa buong bansa-malakihan, maliit, liblib, lalawigan at malayo.
Lumalago ang sektor. Ang nakalipas na ilang mga dekada ay nakakita sa tumataas na tiwala at mas malaking pangangailangan para sa mga non-profit na samahan upang maghatid ng mga serbisyong pangkalusugan, panlipunang serbisyo at iba pang larangan.
Pagtatrabaho sa Non-Profit na Sektor
Magkakaiba ang mga samahan mula sa maliit, mga local frontline service provider hanggang sa malalaking samahang namamahala sa pambansang programa.
Makakaiba ang mga kundisyon ng trabaho depende sa uri ng samahan. Isang makabuluhang proporsyon ng mga binabayarang empleyado sa sektor ay ang mga miyembro ng union o nasasaklawan ng pinagsama-samang mga kasunduan.
Ang industriya ay may mga trabaho sa:
- Pangangasiwa, pagpapatakbo at pamamahala ng pinansya: mga office administrator, human resources officer, database administrator, executive director, accountant, financial analyst, bookkeeper
- Pangangalap ng pondo at pagsulong: mga fundraising campaign manager, business development officer, membership services officer
- Marketing, mga komunikasyon at panlabas na mga ugnayan: mga outreach and communications officer, event coordinator, marketing manager, government relations officer
- Paghahatid ng programa, koordinasyon, pamamahala: mga program manager, policy analyst, community worker, client service coordinator, researcher, evaluator, program specialist
- Koordinasyon at pamamahala ng volunteer: mga volunteer coordinator.
Mga Kasanayan at Pagsasanay
Napakaraming mga lugar ng mga trabaho sa non-profit na sektor Nagsisimula ang ilang mga tao bilang mga volunteer sa isang samahan at napupunta sa mga binabayarang posisyon hanggang mabuo ang kanilang mga interest, karanasan at kakayahan. Ang iba ay nagsasagawa nang mas higit pang pinag-isipang diskarte, marahil sa pamamagitan ng pagtatapos ng post-secondary education program sa non-profit na pamamahala o sa isang kaugnay na larangan ng pag-aaral.
Kinakailangan para sa ilang mga trabaho ang post-secondary education. Maraming mga kolehiyong pangkomunidad, unibersidad at iba pang institusyong edukasyunal ang nag-aalok ng mga programa sa degree o diploma pati na rin ang mga short course at workshop sa mga larangan tulad ng non-profit management, fundraising, communications, governance and leadership, at program, project and service management/delivery